I wish that my touch made you smile just like that,
And I wish that I had you the way that she has.
Cos I still remember the love I left behind,
Oh I wish I was her and you wre mine.
*Wish I Was HerWushu. Epal lang po yan. Natutuwa kasi ako sa kanta na yan. haha.
First day ng klase namin ngayon. Grabe, katamad gumising ng maaga lalo na kung alas'dos ka na natulog. Haha.
Wala lang. Feeling ko kasi bakasyon pa. Yung college kasi inatras yung klase ng one week. Kaya, ayun nainggit ako. Haha.
Well back to my first day, ang kupadkupad ko talagang mag'ayos. May usapan kaming magkikita ni Gigglex [Alena] kila Tham kaya lang walang specific na time. Kaya ayun, masyado akong patumpikpik. Napagalitan tuloy. Haha. At dahil sa medyo nahiya naman ako sa mga naghihintay sa'kin binilisan ko na rin ang kilos. Naiinip na kasi sila. Pag'dating ko kila Tham saktong papalabas na yung mga tao. Tapos diretsyo na kami ng school. Di muna agad kami pumasok kasi iniintay pa sila Meow [Princess], Babols [Wena] at Poknat [Lara]. Unang dumating si Wena at ang cute ng new hair niya. Curly. Haha. Katuwa talaga. Tapos si Princess naman yung sumunod at naka'suot siya ng itim kasi.... secret na yun. Haha. Baka magalit pa sa'kin. Hinihintay pa rin nila si Lara kaya lang nauna na kaming pumasok sa loob ng school kasi hahanapin pa namin si Emae. Pero di pa pala pwedeng mag'pass nun. Kaya wait muna kami. Sumunod na din sila Shine sa amin pagpasok nainip sigurong maghintay kay Lara. Pa'VIP e. Haha. Dirediretsyo pa nga yung mga yun papuntang pila e. Ayun tuloy gagawa pa ata ng eksena sa unang araw na pasukan. Haha. Ayu nakita na rin namin si Emae. Wiweet. Sexy. Haha.
Hoo. Pasakit na naman 'to. Pinapila na naman kami sa napakainit na ground. Haha. Todo'pawis tuloy. Haha. Okay na tapos na ang flag ceremony. Masyado ata kaming na'excite kaya habang paakyat kami sa room gumagawa kami ng ingay. Haha. Hindi na rin kami nagpakilala kasi kilalang kilala na namin ang isa't isa. Haha. Nga pala. Classmate na ulit namin si Utak. Haha. At sila magkatabi ni meow sa upuan. :p Ayun discuss lang ng VM tapos recess na. Bibili sa canteen tapos pumunta kami sa Guidance. Buti na lang di pala galit sa min si mme. Haha. Pagbalik sa room nagkaroon ng konting energizer. Nagturo ng sayaw si Tham. Haha. Kapal nu? Joke lang po. :)) After mag'demo ni Tham naglaro na lang kaming Pinoy Henyo. At sa kabutihang palad... walang nanalo. Haha. Lahat tuloy may consequence. Tapos ayun lunch na.
Sa jobee dapat kami kakain kaya lang sobrang dami ng tao kaya kila Tham na lang kami nagpunta. Malas nga ih, high tide pa kaya sa sementeryo na lang kami dumaan. Haha. Yung dabarkads na lang nila Shine yung bumili ng pagkain with Emae. Diretsyo na kami kia Tham tapos sumaglit pa sa amin. May kinuha lang kasi ako at nakipaglaro lang sila kay Kaylala. Haha. Pagbalik namin kila Tham kain na kami. Sa labas kami kumain kaya live kami habang kumakain. Haha. After kumain back to school na naman.
Tapos after ng lunch discuss lang ulit. Tapos ayun na ang pinakahihintay ko. UWiAN na. Haha. At dahil sa First day lang naman ng school di na kami naglakwatsya. Diretsyo uwi na kami. Tapos nun tapos na ang first day ko. Haha.
[end]