Hello. My name is I-L-Y-N.
Give me presents on 07-18 :D
Sixteen years young.
I'm a proud Filipina. :)
I'm in love with candies.
Music
music is love. <33
*If you looked inside a GiRL you would see how much she really cries. You would find so many secrets and lots of lies. But what you'll see the most is how hard it is to stay STRONG when NOTHiNG is right and EVERYTHING is wrong.*
tagboard
the words we all said
*GiGGLEX. kw na bhala qn anui gsto mung lgai dto. bhala kna mgedit. :D
Bukas na matatapos ang highschool life ko. I can't imagine na 2 oras lang..2 oras lang matatapos na ang 4 na taon ko sa highschool.
Hay nako. Paniguradong mamimiss ko tong school ko. Maiiba na ang daily routine ko. 7:10 papunta pa lang ako sa bahay nila Tham. Susunduin ko siya tapos sabay kaming papasok. Paniguradong nakabilad na naman kami sa araw at nakapila sa mga may late. Kakanta pa kami ng paulit-ulit na Lupang Hinirang at ng hindi matama-tamang school hymn. Sesermonan muna ni Mme. Mel pero magtatawanan pa rin. Pag'akyat naman ng classroom isang sermon pa ulit ang aabutin. Syempre highlight pa rin kami ni Tham. Mapapgalitan na naman kami ni Mme Jhe kasi ang lapit-lapit na lang ng bahay namin tapos "LAGI" pang late. Kapag Wednesday naman diretsyo na lang sa Central para di na malate. Kunyare pang magtuturo pero nakikipagtuyaan lang naman sa mga estudyante. Every Computer time kapag nasa complab at papagawain ng activity lagi na lang may nakabukas na internet at mga nagsisipaglaro ng Farmville o kaya naman Fishville. Yung iba naman nago'Omegle lang. Kakukulit. Haha. Tapos kapag CL time naman laging kakanta lang o di kaya makikipagdaldalan lang sa seatmate. After nun Recess na. As usual pagtyatyagaan na naman ang di naiibang pagkain sa canteen. Tapos magmamadali ng umakyat kasi si Sir Chris naghihintay na. Dumudugo na ilong namin sa sobrang hirap sa pagi'english. Pagkayari naman Math na agad. Jusme. Halos yung orasan na lang ang panuorin namin dahil sa sobrang bagal ng oras. Pero pag nakayari na takbo naman kay Jhem para humingi ng tulong sa lesson. Edi lunch na after. Bibilog na ang Jaguarbheibx para paghatihatian ang dalang lunch ng ibang kaklase. Kanya-kanyang kuha ng tinidor. Pagkatapos kumain takbo na sa locker para kunin ang MAPEH notebook. Paano naman kasi pag'wala yun kakanta ka. Una'unahan din sa pagsusulat ng lecture kasi mga takot mapakanta. After naman nun todo ginhawa ka na sa Filipino. Walang ka'pressure'pressure. Pagdating naman sa AP mga nahihirapan magpigil ng hikab kasi pag nahuli minus 1 sa class conduct. Pero wala e.. di mapigilan. Napapahikab pa rin. After nito nagkakaroon pa ng 15-20 minutes break ng di sinasadya. Sugod na sa canteen. Pero magmamadali naman pagbalik sa classroom kasi baka malate na naman sa Physics. Mga may sariling mundo na mga tao. Lalo naman pag'uwian na. Kanya'kanyang kuha sa bag tapos uwi. Pero kami diretsyo kila Tham. Tatambay muna tapos mang-aaway ng dadaan. Pero chill pa rin. Jokan lang naman kasi.
Pagnaiisip ko tuloy mga yan parang di ko ineexpect na mamimiss ko mga bagay na yan. Yung pagbabad sa araw, pagkanta ng school hymn, sermon ng mga teacher, pagpapakanta sa klase, paggawa ng mga projects, pagpupuyat, pagsundo kay Tham every morning, pagsign ng late sa diary, pagkanta sa room, chismisan sa pinto, hatian ng baon.. basta lahat'lahat na. Di na to mauulit. Ang bilig ng oras. Siguradong babalikbalikan ko mga pangyayaring yan."No goodbye's just see you soon."